copper colored ponnies
---------------------------------------------


Posted by phoebi at 10:55 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 10:53 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 10:44 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 10:41 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
haha i know its late pero before ako matulog updates muna..haha..
well, natanggap na pla ako sa faculty of nursing. hindi pa ako nkakapasok puro gastos na agad. ang daming requirements na due sa aug 1. hay bukas lalakarin ko na mga yun papasama ako sa tatay ko dahil wala akong pera haha. pano na ako mag-isa ko nalang. well may mga subjects naman na magkasama pa rin kami ni ariane pero ung majors ako nalang. yikes! kailangan ko na talagang makinig sa buong lecture dahil wala na akong hihiraman ng notes. haha. unless, makahanap ako ng pedeng utuin dun haha
and my new job haha ok lang naman. medyo nakakapagod at feeling ko eh nagiging amazona na ako. haha. pero its still cool. at least papayat ako kabubuhat ng mga kahoy at bato. haha. jokez!masakit lang sa paa kasi hindi na ako sanay na nakatayo for hours. gusto ko sana sa four rivers pero minalas ako eh haha. may balat ata sa pwet ung kasama ko (wink! alam mo na kung sino ka..) o well haha nakakatamad pag minsan pero kailangan ko ng pera para sa mga luho ko sa buhay. haha...at para sa tuition ko dahil hindi pa ako nakakabayad.. bahala na! gusto ko ng kotse!..pero ind pa ako marunong magdrive..haha the best talaga..
tae yan may virus na ata laptop ko eh. pede kya ito ipatingin sa doctor? kainis naman oh haha lahat na ata ng gamit ko nasira na pati mp3 ko. wah! haha ind na ako magugulat kung one time eh masunog ko itong bahay namin.haha itakwil kaya ako ng nanay ko pag nagkaganun? jokez..
namimiss ko nanaman ang mga gurlash ko sa finaz.. haha.. kasi naman ang mga walang hiya hindi nagpaparamdam tapos bigla2 mababalitaan ko nalang na nagsilayas na din pla sa pinas. wah graduate na sila samantalang ako eh dakilang sophie. saklap talaga ng buhay kya minsan nakakatamad pumasok eh. napaka-unfair.. hay naku napagiwanan nanaman ako napaka-loser ko talaga shit!..haha oh well sasapakin ko nalang sila isa2 pag-uwi ko..miss you guys
well generally nothing's new, just plain old simple me.. haha ganito pa rin. well, things are going well and i hope na wala maging problema in the near future. same kwento pa rin. haha well tristan decided to leave me dahil hindi hia daw ma-bare ang pain. i completely understand, no hard feelings buddy. sabi ko naman sayo no strings attached diba?if you feel you have to go then go..and i'm glad he's starting to move on..i guess ill just see you around then..salamat nga pala sa lahat..friends? (haha kahit nagiwan ka ng nobelang comment sa post ko...jokerz).. sungit ka na ngayon ah haha!
hay i wish everyone could just move on like adult people. minsan kasi it sucks to know na kung sino pa yung mga matatalino, sila pa yung childish at plastic.. haha not to mention hypocrite.. hehehe.. we'll they can say all they want to say and pede rin silang maghanap ng mga kakampi..pero in the end it doesn't change the fact na bitter sila dahil hindi nila matanggap yung totoo. haha.. well gaya ng dati deadma lang ako dahil useless pumatol sa mga ganun..just let them have their childish fun dahil sarili rin lang naman nila ung inuuto nila.. haha.. basta ako im here in case you want to talk..(at sa mga hindi nmn directly involved..haha manahimik ka nalang kalalaki mong tao eh..haha bading ka ba?)
oh well haha tama na yan kung san2 tuloy napupunta ang mga tinatype ko eh baka kung kanino pa makarating haha mahirap na alam mo nmn ang iba walang life (ryt bebz?!..haha tulog na pla) oh well 3:02 ba... park na muna ako at sleep mode...nyterz..
Posted by phoebi at 12:41 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Tonight, Only the moon knows of your death in my memory.When it completes its cycle, all that will remain of youare the stars you dearly countedand the universe you wanted to create in me Tonight, I will let the wind carry my fear of darkness that you alone knew how to tame towards the vastness of the sky for it is painful to be alone in fearTonight,I will count all of the stars and cover the universe with my quilted tearsif only to hide everything that will lead me back to that place of rememberingTonight,I will remember everything I know of youeach second that your existence completed minefor tomorrow can no longer hold any of your memoriesbecause even my world has to turn with timeTonight,Only the moon can see your deathwhen I bury you beyond my memorybeyond the stars and my whole universein a solitary grave without your name
Posted by phoebi at 11:45 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Hahayaan kong dalhin ka
Ng mga alitaptap sa mundong
Ninais mong ating pagsaluhan
Sa lugar na binuo
ating mga panaginip
Na minsan na nating nasilip
Hahayaan kitang lumipad
Ng maraya, nag-iisa, dala lamang
Ang pabaon kong mga alaala
Sa liwanag na minsa’y
Ninais ko ring yakapin at hagkan
Habang hawak ang iyong kamay
Hahayaan kong kalimutan
Ng maalalahanin kong puso
Na minsan ay may mga bagay tayong
Pinagsaluhan, mga panaginip na binuo,
Isang mundong ginawa nating perpekto
Ng tayo pang dalawa ay iisa
Hahayaan ko ng mawala sa
Aking mga bisig ang init
Ng iyong paghinga
Na bumalot sa aking katawan
Sa bawat gabing ang buwan
Ay hinahanap ang kanyang kabuuan
Hahayaan na kitang lumaya
Patungo sa mundong ating binuhay
Ng mayroong pagaalinlangan
Na sa pagdating mo sa mundong
Nasa dulo ng ating isipan
Mayroon ka ng ibang hagkan
Hahayaan na kita…
Posted by phoebi at 11:37 PM::
1 Comments::
---------------------------------------------
I will never get tired of looking at your face and memorize each line
and expression that gives birth to the wholeness of your beauty
the way your lips curve when your laughter echoes through the corners
of the room when my humor is good enough for your ears
the way your eyes sparkle when the tears in them resist to flow freely
to show me the anger you never knew how to set free
I will never get tired of hearing your voice hum a lullaby every time
I fear closing my eyes thinking that you will vanish with the darkness
the way your song gives me strength to believe that the sun will always
remember to bring tomorrow for us to still share
the way the sound of your heartbeat comforts me while I touch your hands
and cherish their warmth when loneliness becomes too familiar
I will never get tired of sitting beside you every night when we wait
for the sky to shed tears to bless our common soul
the way you earnestly hoped for a star to fall in your hands and
share with me all of its brightness and wonders
the way your arms softly embrace me with reassurance that there will still be
nights for us to share in waiting for a star to witness our oneness
…I will never get tired of recalling your fading memories
Posted by phoebi at 11:29 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 9:47 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Perhaps…
Love beckons you to become blind
when love itself is fading
and you realize that eternity
ended with yesterday’s rain.
Perhaps…
You are too beautiful
for any man to look through your eyes
and see that your tired soul
is waiting to be understood.
Perhaps…
Learning to let go
leads you to find love
that will no longer fade
nor end with tomorrow’s rain.
Posted by phoebi at 9:42 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
You always told me
that the moon gave birth
to the stars and comets
she bore longer than eternity
the day the sun
grew too big
for her own universe
You always took pity on the moon
blaming the sun
for the scars on her face
that ravaged
her imposing beauty
each time you learn
of an eclipse looming
You made
the most beautiful words
when the moon
quietly crept
and found her way
to your window
as if to be taken as your own
You always wanted
to have the moon
for your own little hands
to enfold
to heal her wounds
to cover her scars
to remove her past
You had to take
her away you
the sun’s wrath
that day you climbed
the top of the cliffs
houting her name
pleading, confessing
You waved your mighty sword
and clutched
your feigned wings
and leaped
to her arms
defying gravity
fearing no pain
You saw her eyes
pierce through your soul
when your hands
tried to cling
to the sky
her lifeless arms
and hollow core
Sadly,
the moon never wept
not even gave light
for your body
over the jagged rocks
shattered
beneath
Posted by phoebi at 9:27 PM::
1 Comments::
---------------------------------------------
There is that distance that love can no longer cross
Where the beating of the heart is a stranger in memory
And to hold on is more painful than letting go
There is that place where you must find comfort
To remember what you do not know
And leave behind what fate forgot to give you
There is that part of destiny you wish never existed
A part of your existence
Too great to even ask why it drifted
There is that end that came too soon
When today was yet to be complete
But tomorrow already started to cease
Still there is something beyond fate and destiny
Something better than your misery
One thing stronger than painful irony
Posted by phoebi at 12:55 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
It was a white day. The huge green mountains which we were once a part of a beautiful scenery lay veiled before my eyes. Even the solitary pine tree that stood in the distance was nowhere to be seen. I looked around me to see the sun. I saw the thickening fog instead. I tried to pierce this impenetrability but I found myself oppressed bt the feeling of the immensity of the world before my sight.
I closed my eyes to avoid the deepening whiteness. Seconds passed, then minutes. As I stood motionless by the window, the face of someone I had known come into mu mind. Memories of things past slowly hovered... repeating the very instances that had caused me pain, the bitter pangs to which I almost succumbed.
He came when I was on the verge of accepting what fate had seemingly bestowed upon me. He came and he saw me... a dreamer... a lover of futile thoughts. He came and took me out of the grasps of solitude.
My heart then became prey to strange emotions which were difficult to cope with. I felt a mixture of rapture and fear in his presence. Yet, the smell of deceit constantly lingered in the air and somewhere doubt was born.
I wanted to resist, to remain adamant to the call of love. But the more I tried to evade him, the lesser was my courage to lose him.
A silent kiss came... it sealed a promise... a promise of love.. a sweet illusion. Just like my dreams that had once soared in the skies, love too was lost in its depths. He left me in the same manner as when he came, with no word of good-bye.
Now, nothing is left but memories, shattered dreams and a lonely face in the fog.
Posted by phoebi at 12:44 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Ang Palahaw ng Pipi
Paisa-isa ang hakbang ni Donal patungong Magsaysay. Kahit na unti-unting lumalakas ang patak ng ulan, hindi niya alintana ito. Hindi naman ito kalayuan sa maliit na dampang tinitirhan niya sa may Slaughter House, mabagal niyang tinahak ang kalye. Kailangan niyang itago ang namumugtong mata; kawawa na naman siya sa usisa kapag nakita iton ng best friend niyang si Ben. Hindi rin siya kikita ng malaki ngayong gabi kung nakasimangot siya. Kailangan pa mandin niya ang pera para sa kaarawan ng kapatid niya bukas.
Tanghaling tapat nang dumating si Andoy na lasing na naman. Sa hapag-kainan agad ito tumungo at naghanap ng pagkain.
"Hoy, Unal, nahan na ang magaling mong inah?! Abah, tanghali na ha! Baket walah pang nakahandang pagkain?!," sabay tapon ng plastik na platong nakahilata sa mesa.
"Kinuha lang po kay Mrs. Santos yung kinita niya sa paglalaba. Dadaan na lang daw po siya sa karinderya ng pananghalian," takot na sagot ng anak.
"Eh ang mga kapatid mo? Nahan na ba'ng kinita nila at di na lang sila ang bumili ng ulam?!," tanong uli niya.
"Nasa may kanto pa po sila." Pumasok na si Donal sa kuwarto nang makitang dumating ang ina. Ayaw na niyang masaksihan ang susunod na mangyayari.
"Bilishan mong maghanda at may lakad pa akoh! Magkano ang binayad sayo ng mayamang iyon?, " habang kinakapkapan ang bulsa ng bestida ng asawa.
"Ang kapal din ng mukha mong kunin ang pinaghirapan ko! Eh kung magtrabaho ka rin kaya at nang may maipan-inom ka?! Hindi yang nagpapalaki ng tiyan an ginagawa mo!"
"Anong sabi mo, ikaw na kupal ka?!" Isang malakas na mag-asawang sampal ang unang salubong kay Rina. "Nagiging maramot ka na ngayon ha?! Ang p-inang ito, sumasama-sama ka sa akin noon at ngayon nagrereklamo ka?! Ha?!" Tadyak ang sumunod.
"Wala kang kwenta! Hayop ka! Ginawa mo na nga akong palahian, ako pa'ng nagpapalamon sa'yo!"
"Ikaw ang walang kwenta! Kung marunong kang mag-alaga ng asawa, hindi ka magkakaproblema sa akin! Makaalis na nga't baka masuntok pa kita, pweh!" Umalis si Andoy tangan ang pera.
Habang humahagulgol ang ina sa labas ay tahimik ding umiiyak si Donal sa kwarto. Hindi na bago sa kanya ang bangayan ng mga magulang sa labinlimang taon niyang nakasama sila. Ang hindi lang niya masikmura ay ang pagbuhatan ng kamay ang kanyang inay na madalas nang gawin ni Adnoy nitong mga nakaraang mga araw. Mabuti na lang at nasa labas ang lima niyang mga nakababatang kapatid. Kung hindi ay nasipa rin siguro sila gaya kahapon. Gusto niyang labanan ang ama pero natatakot siya. Bukod sa malaki ito ay baka lalong saktan ang inay niya.
Isang mahinang katok ang narinig niya.
"Anak, halika na. Tawagin mo na ang mga ading mo sa kanto at kakain na tayo." Pinupunasan na nito ang mukha ng punit niyang damit.
"Opo, Inay."
"Yehey, ang paborito kong ulam... monggo at galunggong!" masayang sambit ng bunsong si Nerissa pagkarating nila.
"Inay, umiyak ka na naman ba? Sinaktan ka ba uli ni Itay?" Si Beka. Natigilan ang lahat at napatingin sa ina.
"Naku, mga anak ko talaga! Para naman kayong hindi nasanay sa ng Itay niyo,' pabiro niyang sagot, ' hayaan niyo na lang siya, magbabago rin iyon."
"Bakit po iyong tatay ni Eddie hindi lasenggero? Bakit po si Itay ganun?" Si Jobet naman.
"Huwag kayong masyadong matanong. Kumain na lang kayo at hayaan niyo na si Inay," sabi ni Donal. Nginitian nito ng ina sa pagligtas sa kanya.
Hanggang doon na lang ang kayang pagligtas ni Donal kay Rina. Gusto man niyang yakapin ang ina para kahit papano'y maibsan ang sakit ng loob na dala nito, nahihiya siya. Inisip niya, kung babae lang siya, mag-iiyakan siguro sila. Pero hindi. Kailangan niyang magpakalalaki at itago ang bigat ng dibdib. Hindi niya pwedeng ipakita ito sa ina, lalo na sa mga kapatid, dahil lalo silang panghihinaan ng loob.
Matapos kumain ay saglit na nagpahinga ang mag-iina at bumalik na ang mga bata sa kanto para maglako ng yosi at kendi. Si Rina naman ay maglalaba uli sa kabilang bahay. Si Donal ang taong bahay tuwing hapon.
"Mag-ingat ka mamayang gabi, Unal, ha? Huwag mong bebentahan ng balot ang mga lasing dahil baka hindi magbayad ang mga yun at kung ano pang gawin sa'yo. Yung asin binalot ko na, nasa mesa."
"Opo, Inay. Salamat po."
Mag-aalas siyete na nang nakaalis siya sa bahay. Baka nandon na si Ben sa tagpuan nila. Hindi siya makapaghintay na ikuwento sa kaibigan ang nangyari sa buong maghapon niya.
Kinse rin si Ben. Mag-iisang buwan pa lang silang magkakilala. Kahit na wala pa siyang gaanong alam tungkol sa kanya, palibhasa siya lang ang kaibigan niya, tinuring na niya itong best friend. Siya ang nagpasok sa kanya sa trabaho. Noong una ay ayaw ni Donal, pero nakikita niya kung gaano naghihirap ang kanyang inay at mga kapatid kaya sinubukan niya ito hanggang sa nasanay na rin siya.
"O, ba't ang tagal mo?," tanong ni Ben na may pagkayamot.
"Nag-away na naman kasi sila sa bahay, 'tol. Pasensiya ka na."
"Ganun ba? Gusto mong umupo muna at pag-usapan natin? Tara sa bar diyan sa tabi. Kahit tig-isang Red Horse lang, sagot ko."
"Sigurado ka? O, sige. salamat ha? Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kang nakikinig sa mga problema ko."
"Ikaw naman. Halika na at nang hindi tayo gabihin. Maraming customer ngayon."
Nauwi sa tigatlong bote ang nainom nila. Nang makitang mag-aalas nuwebe na ay lumabas na sila.
"Ano, maghihiwalay na naman tayo. Dito na lang ako maghihintay ng dadaan. Mag-ingat ka sa mga parak. Balita ko umaaligid na sila ngayon sa Burnham, nanghuhuli na."
"Ikaw rin. Salamat uli. 'Kita na lang tayo bukas."
Nakailang metro siya ng lakad nang maalala niyang nakalimutan niyang imbitahin si Ben sa birthday ng pangalawa nilang si Menay bukas. Balak pa mandin niyang magluto ng pansit mula sa kikitain niya ngayong gabi. Bumalik siya sa tapat ng bar kung saan sila naghiwalay.
Nandun pa si Ben, mukhang may customer na kausap. Tatawagin na sana niya ito pero natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya, o guni-guni lang niya yun. pero hindi! Hindi siya maaring magkamali, ang itay niya ang kasama ni Ben! Nakita niyang inakbayan si Ben at sumakay na sila ng taxi.
Hindi na napansin ni Donal kung ilang minuto siyang nakatulala sa kalyeng yun. Halu-halong emosyon ang naramdaman niya na pinangunahan ng pagkamuhi sa ama. Hindi na rin niya namalayan na sumama na pala siya sa isang nakakotseng bakla sa isang mumurahing motel. Medyo bumalik na lang siya sa pag-iisip nang umuwi siya ng alas dos ng madaling-araw hawak ang tatlong daang kinita niya. Pinilit na lang niyang iwaksi muna ang nakita para sa brithday ni Menay.
Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay at umupo sandali para palamigin ang loob. Pinipigilan niyang ilabas ang nararamdaman na naipon na sa lalamunan niya. Matapos ang ang isang malalim na buntong-hininga, tumayo na siya't pumasok sa kuwarto kung saan mahimbing ng natutulog ang mga kapatid. Naalala ang ina, lumabas uli ito at sinilip ang kuwarto. Ipapaalala niya sana ang selebrasyon nila kinabukasan dahil baka makalimutan na naman niya ito gaya nung nakaraang taon.
Laking gulat ni Donal sa nakita. Nakabulagta sa kama si Rina, nakamulat ang mga mata at laslas ang pulso. Sa isang kamay nito ay ang larawan nilang magkakapatid na puno ng bahid ng dugo, sa kabila ay isang maikling sulat: Patawarin niyo ako, mga anak ko. Mahal ko kayong lahat.
Hindi na niya napigilan ang luhang dumaloy. Napaupo na lang siya sa kama, hinagkan ang ina at humagulgol na parang bata, mas malakas pa sa iyak ng inay niya kaninang umaga. Wala siyang pakialam kung magising ang mga kapitbahay o ang mga kapatid niya. Yakap ang pinakamamahal na inay niya, nilabas ni Donal ang lahat-lahat ng itinago niyang poot at hinagpis.
Posted by phoebi at 12:31 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
I am a friend who has a friend And this friend likes a friend whos also my friend So what can I do for my friend to be a good friend? Of course, just play cupid for my friend to get close to my friendz friend who is also my friend. After a while,my friend and her friend who is also my friend became closer friends I was so happy for my friend because it seems that her friend who is also my friend wanted to be more than a friend to my friend I have always supported my friend and her friend who is also my friend I never knew that one day, Id fall for the friend who is my friends friend who is also a friend of mine. But still, I love my friend and as a friend, I just hid my feelings for her friend who is also my friend So I asked my friends friend if he likes my friend as more than a friend I was surprised because the friend of my friend admitted to me as a friend that he didnt like his friend who is my friend as more than a friend But my friend still thinks that her friend who is also my friend liked her as more than a friend and not just as a friend. I can never have enough courage to tell my friend that her friend who is also my friend just likes her as a friend. I also never muster up enough confidence to tell my friend who is also a friend of my friend that Ive come to like him as more than a friend. At the same time, I want to be a good friend to the friend of my friend even if I can never be more than a friend to him And all the while, I dont want to hurt my friend because I like her friend who is also my friend whom she liked as more than a friend. Oh,what a tangled web we weave A truth I never thought Id live Ive made this happen, this impossible riddle This is the curse of a friend whos caught in the middle...??
Posted by phoebi at 10:46 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Father Frank’s forgetful follower Fritzfetched Father Frank’s favorite foodFarmer Fred’s famous fresh fruitsfrom farmer Fred’s farm.From farmer Fred’s farm, forgetful Fritz foundfive fair freckled female’s, fifteen fabulously funnyfiddlers,Fifty false factory fabricated figurines, fortified foliage,fractured fences, fungus filled furniturefar from forgetful Fritz, farmer Fred fanned flamesfor frying flipping fishesForgetful Fritz fixed farmer Fred’s fractured fences,flavored fifteen fresh fishes,found flirty faces from fair freckled femalesfinished four fierce foulsforgetful Fritz forgot Father Frank’s fresh fruits.Forgetful Fritz farted from fearfrom farmer Fred’s fainting.Father Frank found forgetful Fritz farting fatal.Finally,Father Frank fired forgetful Fritzfor flatulence
Posted by phoebi at 10:33 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
One night, I had finally thought of a way to save the world
So, I put it right away in paper, Just in case I'd forget...
The next day, I shared this idea of mine to a friend
But that friend only laughed at me, and put me to tears...
Yesterday, I told this idea to a dedicated and serious teacher
Yet, She gave me a frown and told me that I better keep it to myself...
A while ago, I finally told the headmaster of the grand idea
He scolded me and told me to focus on more important matters...
Now, I write to myself...
Posted by phoebi at 10:14 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Matagal kong hinintay ang Dyip
Patungong langit.
Nang dumating na’y,
Pasakay Pa lamang ako siya nama’y Palabas na.
Nagkatitigan kami at kanyang Nasabi
“O, Ikaw naman, di ka Pwede sumabit.”
Nagkatinginan kami Sa haba ng isang gabing saglit.
Umupo ako at niyakap ng titig
Ang paglalaro ng alon at agos Sa kanyang buhok.
Umandar ang dyip At agad kong nasambit
“Para” kabababa lang ng langit.
Posted by phoebi at 6:57 PM::
0 Comments::
---------------------------------------------
sabado noon nang ikaw ay yayain ko
naka-trip yata ako, ba’t ang lakas ng loob ko
so ikaw dyan pinaunlakan mo naman ako
sa madaling salita, ‘nung gabing ‘yun nag date tayo
ang sabi mo sa akin, compatible pala tayo
sa pagkain at film, pareho tayo ng gusto
kaya nga nasabi mong baka nga yata ako
ang hinahanap-hanap mong lalaki sa buhay mo
nang yayain kita na umuwi na tayo
sabi mo maaga pa, kill joy naman ako
so ikaw ang nasunod, sa park tayo’y nagtungo
to cut the story short, naging mag-syota tuloy tayo
nang araw na sumunod ay iniwasan kita
pa’no ‘di ko matanggap na ika’y girlfriend ko na
ewan ba, sa iyo’y wala naman problema
mukhang nasa akin, nga yata ang diprensya
nakikita mo akong mga lalaki ang kasama
sabi mo sa sarili mo, ang pagtataksil sa aki’y wala
“nagku-concentrate lang siguro sa pag-aaral ng bagay”
dahil ika’y understanding, ikaw nama’y nagparaya
subalit isang gabi, ako ay nakita mo
sa halip na ikaw, isang lalaki ang kasama ko
biglang-bigla ka dahil, naka-make-up ako
may lipstick, may eyebrow, ang ganda-ganda ko
ano pa ang mukha kong ihaharap sa ‘yo
alam kong alam mo na ang pagkatao ko
ngayong classmate pa naman kita sa seatmate pa tayo
iisipin ko na lang lagi, mas maganda ako sa’yo
Posted by phoebi at 9:19 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
di ka naman maganda, pati sa height bagsak ka
di ka naman seksi, walang wala ka sa iba
di rin naman perpekto ang tabas ng iyong mukha
di mo bagay ang payat, di rin bagay ang mataba
tignan mo nga kulay mo, walang sinabi sa present ko
ang buhok mo pag ginulo, nagmumukha ka talagang multo
ang ipin mo, di na buo, ang ilong mo, medyo pango
di ka marunong maglaba, di ka rin marunong magluto
kaya kung inaakala mo na pinanghihinayangan kita
na di tayo nagkatuluyan, may BF ka na kasing iba
nanaginip ka yata, hoy babae, gumising ka
magkape ka, paitan mo, para naman matauhan ka
pero bakit namamaga sa kaiiyak ang aking mata?
mula noong sabihin mong, ang puso mo’y sa kanya na
di ko yata matanggap na kayakap mo’y iba
pag namatay ako sa selos, kasalanan mo, bruha ka
hindi pala… okey lang (lunok), di ka naman maganda
Posted by phoebi at 9:11 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Martes, December 12, alas diyes y media ng gabi. Hawak ang ilang piraso ng mamahaling stationery at sign pen na bigay pa ng aking tita na galing Singapore, sinimulan ko ang isang bagay na matagal ko nang balak gawin.
Dear Tintin,
“Ay shiyeet!!”, napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame ng aming boarding house. Isulat nga lang ang pangalan niya, kinikilig na ako. Paano ko naman kaya sisimulan ito? Sa totoo lang, ito ang unang beses na susulat ako ng isang liham ng pag-ibig sa buong buhay ko.
Truthfully, this is the first time that I have written a love letter in my whole life. (Wala kasing maisip na Ingles, eh) Kung nakalimutan mo na, ako pala si Julius Galut, tubong Candon, Ilocos Sur - the land of delicious calamays. Gaya mo ay BSIT rin ang course ko. My hobbies include eating…
Aaminin ko, may pagka-torpe ako. Ni minsan hindi pa ako nagkasyota, ni manligaw man lang; ngunit gaya ng ibang lalake, marami rin naman akong nagiging crush. Pero ibang babae si Tintin - natatangi siya sa lahat ng mga babae na nakita ng aking mga mata.
Hindi naman siya seksi gaya ng iba diyan, actually may kapayatan pa nga siya eh. Pero kapag nakikita ko ang kanyang mukha, para bang nasa loob ako ng simbahan. Nasa loob ng simbahan na tila binabasbasan ng pari. Tila ba sinasabi ng pari sa akin “Do you take this woman as your…wife.” Ganyan kalakas ang tama sa akin ng babaeng ito. Para bang nais kong pakasalan siya sa kahit saang simbahan, kung gugustuhin niya lang.
Unang beses pa lang kitang makita, nahulog na ng tuluyan ang puso ko sa iyo. Para kang isang bulaklak na umusbong…
Ang totoo, hindi pa ganoon kalakas ang tama ko sa kanya noong una ko siyang nakita. Final Exams noon, sa Perfecto. Aaminin ko nagandahan talaga ako sa kanya, pero hanggang doon lang iyon; nagandahan lang talaga ako. Pero nang makita ko uli siya, first day of classes ng second sem, iba na ang aking naramdaman. Habang paakyat sa Main Gate, nakita ko na naman siya kasama ang ilang kabarkada, pababa. Nang mga sandaling iyon, nagsimula ang lihim kong pagtatangi sa babaeng ito.
Minsan, kasama kong tumambay ang mga kabarkada ko (na sa “kasamaang palad” ay mga kagrupo ko rin sa project namin sa Systems Analysis and Design, aptly abbreviated as SAD) sa Main Gate. Patingin-tingin naman ako sa mga babae na dumadaan, nagbabakasakali.
Hindi naman ako nakalusot sa mala-asong pang-amoy ni Willy Dapoo, isa sa mga kagrupo ko.
“Uy, may iniispatang babae si Julius. Tinitigasan na!” pang-uuyam nila sa akin.
“Kala ko ba baddaf ka,” sumbat naman ni DonBrit Tamura, na bagaman mataba, longhair at mukhang tatay ay full-blooded na bading, pilitin niya mang itago ito. (Actually, hinihintay niya iyong kaklase naming si Peter na crush naman niya.)
Hindi naman ako binigo ng pagkakataon sapagkat sa mga sandaling iyon, nakita ko siyang dumaan kasama ang ilang kabarkada. Lalo pa siyang gumanda dahil sa suot niyang puting headband (”mabuti pa ang mga headband…”).
“Siya yun!”, malumanay kong sinabi sa aking mga kabarkada.
“Kung gusto mo, sundan natin at makipag-meet tayo,” hamon sa akin ni Dodins Fernandez, ang aming chief programmer. Medyo nag-alinlangan ako, pero sige na nga.
Sinundan namin sila from a distance of approximately 2 meters, pero sa ingay naman namin, alam ko na napansin din nilang sinusundan namin sila. Huminto sila sa ever famous na Marisan’s Tokneneng atbp., magmemeryenda. ”
Tara, makipagkilala tayo,” sabi sa akin ni Willy, sabay akbay sa balikat ko. “Alam mo pare, ang babae, flattered din sila pag may gustong makipagkilala sa kanila. Maniwala ka sa akin pare,” na para bang nanggagaling ang payong ito sa isang taong marami nang naging karelasyon. In fairness, guwapo naman daw siya, sabi ng nanay niya.
“Next time na lang pare, nahihiya pa ako. Magkikita pa naman kami, di ba?” Bagaman pareho kaming BSIT, hindi ko siya madalas makita dahil sa ibang building sila - sa Perfecto sila kadalasan, samantalang sa Silang naman kami. Ngunit malakas ang loob ko na magkikita pa kami.
At pag dumating ang panahong ‘yon, hindi ko papayagang matapos ang araw na hindi ko man lang makilala ang babaeng nagnakaw ng aking puso.
Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala? May kausap ka pa ngang babae…
November 8, 2000 - Isa sa mga “historical dates” na kung wala man sa mga history books ng mag-amang Zaide ay siguradong nakatatak na sa kalendaryo ng buhay ko, at hindi na mabubura pa. Papunta kami sa school noon para magpaconsult sa adviser namin sa SAD. Nakita ko siya sa Main Gate, kasama ang isang babae.
“Hanggang tingin ka lang naman eh,” sabi sa akin ni Dodins. Medyo naasar ako sa sinabi niya kaya hamon ko naman, “O sige, pagbalik natin dito at hindi pa sila umaalis, makikipagkilala na ako.”
Maawain naman ang Poong Maykapal, sapagkat wala nga ang aming adviser (Chalal), nandoon pa rin ang dalawang babe sa Main Gate (Head Chala!). Sa tulong na rin ng habuling si Willie, naganap na rin ang dapat maganap.
“Hi, ako si Galut, Julius Galut. Ikaw, sino ka?”
Tintin. Tintin Sampaga…”
Hindi ko na masyadong maalala ang mga detalye ng aming pinag-usapan, ang mahalaga, nakilala ko na rin si Tintin - ang babaeng ihahatid ko sa dambana. At siyempre, ang schedule niya. (Torpe nga ako pero hindi naman ako ganoon katanga, hindi naman) At ang pahayag niyang wala pa siyang syota ang lalo pang nagpaligaya sa akin.
…Hindi mo alam kung gaano kalakas ang dating mo sa akin. Mula nang makilala ka, marami na ang nagbago sa akin…
Hindi naman lingid sa mga taong nasa paligid ko ang mga pagbabagong ito. Madalas akong nasa isang tabi lang, daydreaming. Kung noon eh puro Smashing Pumpkins ang pinakikinggan ko, natutunan ka na ring makinig sa mga lab songs. (My favorites? Dreaming of You ni Selena at When I see You Smile ng Bad English) Kung noon eh kahilig kong makipagdiskusyon sa aming mga instructors, natutunan ko na ring tumahimik na lang at minsan ay bolahin na lang sila. (Sample: “Mahusay ang paliwanag nyo, Sir!”) Dalawang beses na rin ako kung maligo sa isang araw. Kabibili ko lang ng CK Be noong nakaraang linggo.
“Pero kung hanggang dyan ka lang, wala kang mararating pare. Kilala mo nga, di mo naman nililigawan,” sermon sa akin ni Dodins minsang ginagawa namin and aming project sa SAD sa bahay nina DonBrit. Na siya namang katotohanan -magmula nang makilala ko siya eh wala na akong nagawang follow-up. Ewan ko ba, pagdating sa pag-ibig eh failing ang grades ko. Hindi naman kasi ako guwapo, pero hindi ko rin naman matatanggap na ako ay pangit.
“Dyahe kasi, pare, wala bagang experience,” sagot ko naman sa kanila.
“Ba’t di mo sulatan?” sabi ni Wily. Natahimikan ng mahigit sa isang minuto, pinag-isipan. Bakit hindi?
Kaya naman ginawa ko ang liham na ito, upang maipahiwatig sa iyo ang hindi kayang gawin ng aking mga bibig. Hindi ka ba naaasar sa ating mga instructors kung nagbibigay sila ng mga essay type na questions during quizzes and exams? At least, nagagamit ko na ngayon ang mga skills dito.
Alam mo, naaalala kita pag umuulan, lalo na pag maginaw. Naaalala kita pag kakain na. Naaalala kita kung… ”
Julius, pwede bang pakihinaan mo ang radyo? Mahiya ka naman sa mga ka-boardmates mo.” Tumambad sa harapan ko ang landlady namin, nakangiting-aso.
“Hihinaan ko na ho.” Gaya ng ibang “artists” diyan, kailangan ko ng music na magseset ng mood at magpapalabas ng creative juices. Sa pagkakataong ito, ang Circus album ng Eraserheads.
“Salamat!” sabi ng landlady ko na may kaplastikan. Medyo inaantok na rin ako.
…So hanggang dito na lang Tintin. Sa uulitin! Ang nagsusumamo, Julius “Jaq the Pretty Boy” M. Galut
Sa wakas, natapos na rin ang aking obra maestra - ang obra maestrang magbibigay kay Mr. Galut ng kanyang first girlfriend sa buong buhay niya. Patutunayan din ng liham na ito na ang sining ng pagsusulat ng love letter ay hindi pa patay; kailangan lang ay ang mga “artists” na gaya ko upang linangin ang sining na ito.
Maingat kong tinupi ang liham sa aking biniling sobre. Mahigit kumulang isang daang piso rin ang nagugol ko para sa sobreng ito. Medyo magaspang ang sobreng ito, ngunit makulay. Binalak ko ring lagyan ng CK Be, pero bukas na nga lang.
Alas otso na nang ako ay magising kinaumagahan. “Shiyeet, ang liham!” nasabi ko nang makita kong wala sa aking drawer. Naalala kong inipit ko pala ang sobre sa libro ng ka-boardmate kong si Mike. May klase si Mike, dala pati libro at 10:30 pa babalik. No choice, hinintay ko na lang siya. Dalawang subjects din naman ang mamimis ko ngayon. Ayos lang, lahat naman ng ito ay para kay Tintin, my dearest Tintin.
“Mike, pahiram nga ng libro mong ‘yan.” Nandoon pa rin naman ang magaspang ngunit makulay na sobre. Wala naman akong nakitang bakas na ito ay nabuksan. Ang pirma naman sa sobre eh pareho sa pirma ko sa aking ID (my apologies to Jose Velarde). Buti naman at hindi napansin ni Mike ang liham, o sadyang hindi niya lang binuklat ang kanyang libro. Props baga. Bago umalis, siyempre nilagyan ko muna ng essence ng CK Be ang sobre.
Kung hindi ako niloloko ni Tintin, dapat ay may klase siya ng 11:30. Habang naglalakad patungong school, iniisip ko kung paano ko ibibigay ang liham. Ibigay ko kaya ito sa harapan niya mismo? Ipabigay kaya sa mga classmates niya? Bahala na.
Nang mula sa likuran ko, isang bumubulusok na taxi ang bumangga sa akin.
Mabuti na lang at hindi ulo ko ang unang tumama sa lupa, ewan ko na lang kapag ganun ang nangyari. Ngunit mas matatanggap ko pa ito, huwag lang masira ang liham. Awa ng Diyos, hindi naman naano ang sobreng magaspang ngunit makulay.
Naawa naman sa akin ang taxi driver at hinatid ako sa ospital. Kahit kapitbahay na nga namin ang pagamutan, kailangan pang ikutin ng taxi ang session road, tapos dumaan pa sa U.B., para lang makarating dito.
“O heto ang dalawang daan. Sorry talaga ha, boy!” sabi ng taxi driver. Hihirit pa sana ako na gawin niya ng limang daan, tutal nasaktan din naman ako sa pagkakabundol.
“Wala ho iyon. Salamat na rin ho,” bagkus ang aking naisagot.
“Minor abrasions.” Iyan lamang ang nakasulat sa medical certificate matapos akong ma-examine ng doktor. “Bili ka na lang ng pain killer at antibiotic para hindi maimpeksyon ang mga sugat mo,” payo pa sa akin ng doktor. Nanghinayang naman ako sa dalawang daan. Kaya tiniis ko na lang ang sakit ng katawan ko at nagpakabusog sa Don Henrico’s.
Ang tanging napasukan kong subject sa araw na ‘yon ay ang literature class ko ng ala-una, under Mrs. L. Akitiw. Hindi naman sa mahina ang boses niya o di kaya’y bobo siya, naaasar lang ako sa style ng kanyang pananalita - para kasi akong nakikinig sa drama sa radyo. Kaya binuo ko na lang ang oras na nakatingin sa magaspang ngunit makulay na sobre, inisip kung ano ang magiging reaksyon ni Tintin kapag nabasa niya ang iiham na nasa loob nito. Sasagutin kaya niya ako? Magpapakipot kaya siya? Ah basta.
May 15 minutes pa ng nadismiss kami ni Ma’am Akitiw. Tiningnan ko ang schedule ni Tintin, me klase pala siya ng alas-dos sa P-605. Hawak ang aking Liham, tinahak ko ang mahirap (at medyo matarik) na landas patungong Perfecto.
Hindi pa nagsisimula ang klase nang makarating ako doon. Sinulyapan ang bawat nilalang na nasa kuwartong yaon, wala ni anino niya. Dumating na’t lahat ang instructor nila, wala pa rin. 15 minutes pa, nasabi ko sa sarili ko.
2:25 na nang umalis ako ng Perfecto patungong Main Gate, bigo sa aking mithiin. Mabagal ang aking paglalakad, nagmumuni sa mga kamalasang aking natamo para lang maibigay ang liham na ito. Absent ako sa dalawa kong subjects. Na-sidesweep pa ako ng taxi. Sakit tuloy ng katawan ko.
“Tapos, aabsent lang pala!” nasabi ko nang may kalakasan, walang paki sa mga taong nasa paligid ko.
Nang biglang lumiwanag ang paligid. Si Tintin!
Nakita ko siya sa harapan ng Main Gate, may kasama. A, kaibigan. Lalaki. Ako man me kaibigan ding babae, ayos lang ‘yon. Masinsinan ang pag-uusap. Baka kapatid. Normal lang ‘yon. Huminga ako ng malalim, sabay tinanggal ang lahat ng pagkatakot at inhibisyon ko sa katawan. Kailangan ko nang maibigay ang “precious gift” ko (na nakalagay sa magaspang ngunit makulay na sobre) kay Tintin. It’s now or never. Akmang lalapitan ko na siya nang ako ay matigilan.
“Mapalad tayo at binigyan tayo ng Diyos ng isa sa mga pinakamakapangyarihang mata sa Animal Kingdom. Kaakibat nito ay ang kakayahan nating bigyan ng interpretasyon ang anumang ating nakikita. You should be thankful at hindi kayo pinanganak na bulag. You will surely miss a lot of beautiful things in this world.” ani Mrs. Akitiw, from one of our sessions na medyo nakinig naman ako sa kanya.
Sa mga sandaling iyon, ewan ko ba kung dapat ko bang pasalamatan ang Diyos dahil binigyan niya ako ng sense of sight. Mas gugustuhin ko na lang yatang pinanganak akong bulag.
Dalawang kamay. Magkahawak. Mahigpit. Kaninong kamay? Sakto!
Mas gugustuhin ko na lang sanang natuluyan na akong nabundol ng taxi.
“Itigil mo na nga ‘yang kadramahan mo. Para kang hindi lalake n’yan eh,” sabi sa akin ni DonBrit na para bagang ginising ako mula sa isang bangungot. “Matulog ka na lang dito at mag-shot na lang tayo,” dagdag pa niya. Hindi ko man lang namalayan na napaluha ako. Kinapkap ko ang mga bulsa ko pero wala akong mahanap.
“Pare, babae lang yan. Di mo ko gayahin - ang darning lumalapit sa akin pero di ko sila pinapansin,” pagmamayabang ng idol kong si Willy. Tawanan ang lahat.
Oo nga naman. Napakarami pang babae sa mundo. Hindi lang milyon, kundi bilyon ang babae sa mundo. At nakatitiyak ako na di ako mauubusan. Ayon nga sa mga favorite mottos ko: Try and try until you succeed. It is not how many times you fell down, but how many times you bounced back. Failures are the stepping stones to success. Life’s a bitch and then you die. Yeah right!
Ngumiti ako kay Willy. Tama ka d’yan, pre. Idol na idol nga kita eh. Kaya bukas ng gabi, pwede bang samahan ninyo akong manligaw?”
“Kanino?” sabay-sabay nilang tinanong.
“Kay Emma Lim. Baka unahan pa ako ni Chavit eh.”
Halakhakan ang lahat, habang idinadampi ko sa aking mamasa-masang pisngi ang magaspang, ngunit makulay, na pamunas
Posted by phoebi at 8:53 AM::
1 Comments::
---------------------------------------------
hi! Ako si mai-mai. bahay namin as nasa albay. “mai-mai, you buy nga some tinapay!” ako ay nanamlay ngunit ang aking reply, “Opo, inay!” pagdating ko sa tulay, may nakita akong tambay na mukhang kalansay. nahimatay ako dahil kinuha ng tambay ang tinapay ni nanay. mabuti na lamang at kasama ko si bantay. sinalakay ni bantay and paa at kamay ng tambay. umaray ang tambay ngunit pinatay nya si bantay. kaya naman naghanda ako ng lamay para kay bantay. nagluto ako ng kalamay at nagluto naman ng pechay si inday, ang aming mataray ngunit kikay na chimay. nagkakwentuhan ami ng aming achay na makita ko ang aking tatay. napataas ang aking kilay dahil ang aking tatay ay may dala-dalang saklay. sya daw ay napilay doon sa may tulay. haaay…. namatay si bantay na walang kamaly malay na si tatay pala ang tambay na nananalakay. ganyan talaga ang buhay!
Posted by phoebi at 8:51 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 8:45 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
maghirap man ako sa kakatayo
magkakalyo man ang mga paa ko
mangitim man ako mula sa sikat ng araw
mabingi man mula sa mga bulyaw
magtitiis ako…
umuwi man akong basag ang ulo
huwag kumain ng isang linggo
matulog man ako sa bilangguan
o tumira sa lansangan kung kinakailangan
magtitiis ako…
pagpatawanan man ng karamihan
at mabansagang kaaway ng bayan
mamalat mula sa kasisigaw
manghina sa sinag ng araw
magtitiis ako…
kung buhay man ang kapalit
o sa bilangguan ay mapiit
lahat ito’y titiisin ko
sa ngalan ng pagbabago
Posted by phoebi at 8:37 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 8:02 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
Posted by phoebi at 7:53 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------
nang isilang ako sa mundong ito
ewan ko kung natuwa kayo
paano ba nama’y may dagdag ulit
sa gastos at sakit ng ulo
biruin mo,
pagkain, bahay, trabaho
kailangan meron kayo
kung wala, saan naman kayo tutungo?
siguro nga kailangan kumayod ng husto< /p>
sabi niyo, pantustus sa mga gamit ko
umaga, tanghali, gabi
pare-pareho lang sa inyo
kaya lang, nanganak pa kayo
ni tabas ng mukha ko hindi niyo kabisado
kahit sabihin pa na mayaman na tayo
o ano, masaya ba naman kayo?
pilit ko mang isiping
nang isilang ako sa mundong ito,
ay natuwa naman kayo kahit papano
pero ewan ko … malay ko
Posted by phoebi at 7:46 AM::
0 Comments::
---------------------------------------------