pagpaparaya (kuwaderno 4, slu)
Hahayaan kong dalhin ka
Ng mga alitaptap sa mundong
Ninais mong ating pagsaluhan
Sa lugar na binuo
ating mga panaginip
Na minsan na nating nasilip
Hahayaan kitang lumipad
Ng maraya, nag-iisa, dala lamang
Ang pabaon kong mga alaala
Sa liwanag na minsa’y
Ninais ko ring yakapin at hagkan
Habang hawak ang iyong kamay
Hahayaan kong kalimutan
Ng maalalahanin kong puso
Na minsan ay may mga bagay tayong
Pinagsaluhan, mga panaginip na binuo,
Isang mundong ginawa nating perpekto
Ng tayo pang dalawa ay iisa
Hahayaan ko ng mawala sa
Aking mga bisig ang init
Ng iyong paghinga
Na bumalot sa aking katawan
Sa bawat gabing ang buwan
Ay hinahanap ang kanyang kabuuan
Hahayaan na kitang lumaya
Patungo sa mundong ating binuhay
Ng mayroong pagaalinlangan
Na sa pagdating mo sa mundong
Nasa dulo ng ating isipan
Mayroon ka ng ibang hagkan
Hahayaan na kita…
---------------------------------------------



1 Comments:
omg thank you so much for posting poems/prose from kuwaderno here. ive been missing kuwaderno badly :)
Post a Comment
<< Home