sour graping (from kuwaderno 1, 1999)
di ka naman maganda, pati sa height bagsak ka
di ka naman seksi, walang wala ka sa iba
di rin naman perpekto ang tabas ng iyong mukha
di mo bagay ang payat, di rin bagay ang mataba
tignan mo nga kulay mo, walang sinabi sa present ko
ang buhok mo pag ginulo, nagmumukha ka talagang multo
ang ipin mo, di na buo, ang ilong mo, medyo pango
di ka marunong maglaba, di ka rin marunong magluto
kaya kung inaakala mo na pinanghihinayangan kita
na di tayo nagkatuluyan, may BF ka na kasing iba
nanaginip ka yata, hoy babae, gumising ka
magkape ka, paitan mo, para naman matauhan ka
pero bakit namamaga sa kaiiyak ang aking mata?
mula noong sabihin mong, ang puso mo’y sa kanya na
di ko yata matanggap na kayakap mo’y iba
pag namatay ako sa selos, kasalanan mo, bruha ka
hindi pala… okey lang (lunok), di ka naman maganda
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home