sa isang karinderya sa likod ng otto hahn (from kuwarderno 2, 2000)
malay mo.
habang hinihigop mo ang sabaw ng bulalo
at sinisipsip ang laman ng buto.
mabulunan ka
at ikamatay mo ito.
malay mo.habang nginunguya mo ang porkchop.
at kinukutsilyo ang mamantikang taba.
masaksak mo ang sarili mo
at ikamatay mo ito.
malay mo.
habang nilalabay mo ang sabaw ng paksiw.
at nilalasap ang galunggong na isda.
matinik ka
at ikamatay mo ito.
utang na loob.
madala ka sa tingin
.bilisan mo ang pagkain.
umalis ka na diyan
nang ako naman ang makaupo
sa munting karinderyang ito.
para makalasap ng paksiw,
makanguya ng porkchop
at makahigop ng bulalo.
habang hinihigop mo ang sabaw ng bulalo
at sinisipsip ang laman ng buto.
mabulunan ka
at ikamatay mo ito.
malay mo.habang nginunguya mo ang porkchop.
at kinukutsilyo ang mamantikang taba.
masaksak mo ang sarili mo
at ikamatay mo ito.
malay mo.
habang nilalabay mo ang sabaw ng paksiw.
at nilalasap ang galunggong na isda.
matinik ka
at ikamatay mo ito.
utang na loob.
madala ka sa tingin
.bilisan mo ang pagkain.
umalis ka na diyan
nang ako naman ang makaupo
sa munting karinderyang ito.
para makalasap ng paksiw,
makanguya ng porkchop
at makahigop ng bulalo.
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home