ano pang mukha ang ihaharap ko (from kuwaderno 1, 1999)
sabado noon nang ikaw ay yayain ko
naka-trip yata ako, ba’t ang lakas ng loob ko
so ikaw dyan pinaunlakan mo naman ako
sa madaling salita, ‘nung gabing ‘yun nag date tayo
ang sabi mo sa akin, compatible pala tayo
sa pagkain at film, pareho tayo ng gusto
kaya nga nasabi mong baka nga yata ako
ang hinahanap-hanap mong lalaki sa buhay mo
nang yayain kita na umuwi na tayo
sabi mo maaga pa, kill joy naman ako
so ikaw ang nasunod, sa park tayo’y nagtungo
to cut the story short, naging mag-syota tuloy tayo
nang araw na sumunod ay iniwasan kita
pa’no ‘di ko matanggap na ika’y girlfriend ko na
ewan ba, sa iyo’y wala naman problema
mukhang nasa akin, nga yata ang diprensya
nakikita mo akong mga lalaki ang kasama
sabi mo sa sarili mo, ang pagtataksil sa aki’y wala
“nagku-concentrate lang siguro sa pag-aaral ng bagay”
dahil ika’y understanding, ikaw nama’y nagparaya
subalit isang gabi, ako ay nakita mo
sa halip na ikaw, isang lalaki ang kasama ko
biglang-bigla ka dahil, naka-make-up ako
may lipstick, may eyebrow, ang ganda-ganda ko
ano pa ang mukha kong ihaharap sa ‘yo
alam kong alam mo na ang pagkatao ko
ngayong classmate pa naman kita sa seatmate pa tayo
iisipin ko na lang lagi, mas maganda ako sa’yo
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home