malas (from kuwarderno 2, 2000)
alas singko ng umaga
bumiyahe na si Ina
magtratrabaho daw siya
doon sa kalye ng mother ignacia
buong araw makikipagsapalaran
titiisin ang alikabok sa lansangan
ipagpapaliban ang naghihimutok na tiyan
at kakalimutan ang sakit ng katawan
ngunit uuwi siyang malungkot at luhaan
dahil sa pangarap na sa kanya’y di laan
bigo at pagod, si Ina ay matutulog
nang kinabukasan, siya’y makapila muli
sa pera o bayong.
bumiyahe na si Ina
magtratrabaho daw siya
doon sa kalye ng mother ignacia
buong araw makikipagsapalaran
titiisin ang alikabok sa lansangan
ipagpapaliban ang naghihimutok na tiyan
at kakalimutan ang sakit ng katawan
ngunit uuwi siyang malungkot at luhaan
dahil sa pangarap na sa kanya’y di laan
bigo at pagod, si Ina ay matutulog
nang kinabukasan, siya’y makapila muli
sa pera o bayong.
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home