anak (from kuwarderno 4, 2002)
nang isilang ako sa mundong ito
ewan ko kung natuwa kayo
paano ba nama’y may dagdag ulit
sa gastos at sakit ng ulo
biruin mo,
pagkain, bahay, trabaho
kailangan meron kayo
kung wala, saan naman kayo tutungo?
siguro nga kailangan kumayod ng husto< /p>
sabi niyo, pantustus sa mga gamit ko
umaga, tanghali, gabi
pare-pareho lang sa inyo
kaya lang, nanganak pa kayo
ni tabas ng mukha ko hindi niyo kabisado
kahit sabihin pa na mayaman na tayo
o ano, masaya ba naman kayo?
pilit ko mang isiping
nang isilang ako sa mundong ito,
ay natuwa naman kayo kahit papano
pero ewan ko … malay ko
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home