masaya na ako para sayo
hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata mo. ang mga titig mo na tumatagos sa aking pagkatao. sinabi ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sayo. hindi dahil sa ayoko kungdi dahil sa hindi pwede.
nung gabing yun habang magkatabi tayo sa dorm, un ang unang pagkakataon na naramdaman kong hindi na kita pwedeng maging kaibigan dahil mahal na kita ng higit pa sa isang kaibigan. alam kong ramdam mo rin yun at kasama nito ang pagaalinlangan. dapat pa bang ituloy kahit aalis na ako papuntang canada? dapat pa ba nating i-risk ang friendship?
"phoebi, sana ikaw nalang ang niligawan ko...kasi mahal na kita dati pa.."
yan ang mga salitng binitawan mo at hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung tama ba ang desisyon kong manahimik noong sandaling iyon. na tama bang itago kong mahal din kita pero natatakot ako na baka hindi natin kayanin. ano kaya ang nangyari kung naging tayo?
marahil ay hindi ko na nga malalaman ang sagot sa mga tanong ko dahil sa nandito na ako ngayon. dito na ang mundo ko, malayo sa mundo mo. isa ka nalang sa mga matamis na pirasong bumbuo sa nkaraan ko. mabuti na rin sigurong hindi naging tayo dahil masasaktan lang tayo pareho.
ok na akong nakahanap ka na nga mamahalin mo ngayon. you deserve it. ayos na ako dahil alam kong masaya ka sa kanya at alam kong hinding hindi mo mararansan yun kung sakaling naging tayo dahil dagat ang pagitan natin.
ganun naman talaga ang love diba, handang magsakripisyo.
masaya na ako para sayo...
---------------------------------------------



0 Comments:
Post a Comment
<< Home