Remnants
About Me


Name::phoebi
From::winnipeg, manitoba, Canada
I am who I am No matter what you may think of me, Because I am me, As you can see OUTWARDLY. But inwardly what do you see? Do you see me differently? Can you compare this inner me With the outer me? Who am I? I ask myself. Myself being many books upon a shelf. In a quest for character I search myself. I do not doubt that I am someone . . . A different someone, Most different someone, Because I am me, Most definitely, INWARDLY. Because ALL of me, Inwardly and outwardly, Makes up me.
View my complete profile

Recent Posts

what?
flowers
why do i feel such a loser?
alone
lost
future plans
hometown
doing well update
after effect (circa 090908)
X

Archives

03.2006
04.2006
05.2006
06.2006
10.2006
11.2006
12.2006
01.2007
02.2007
03.2007
04.2007
05.2007
06.2007
07.2007
08.2007
10.2007
12.2007
01.2008
04.2008
06.2008
07.2008
08.2008
09.2008
11.2008
12.2008
04.2009
05.2009

14.11.06

typical day at school

hay naku ang boring talaga sa lugar na toh ewan ko kung pano nakakatagal mga tao.haha. well i should be in the library right now working on my scholarly paper for my nursing course pero inaantoh na ako eh. si lola naman kasi inuna pa kain.haha

well updates?hahah wala nang bago eh. for the first time since starting ng school year ngayon lang ako tumagal sa isang klase na indi natutulog. pero kahit na dilat ang mata ko ng isang buong oras wala pa rin akong naintindihan sa mga pinagsasasabi ng prof ko. self study na ito. haha. kailangan ko na kasi maghabol for finals. ok na ung nag slack off ako ng prelims at midterms.haha.so not me!

nag-try pala ako magkulay ng hair and as expected, naguyo nanaman ako.haha.wa effect ung pang kulay.haha. kinontra kasi ni lola ariane eh..haha

nakakamiss umuwi sa pinas lalo na pasko ngayon. parang nariring ko na ung mga xmas carols sa radio at ung sandamukal na lights sa session(btw magsno-snow daw sa session?). waaa naaalala ko tuloy si **ahem**. wink!. samantalang dito naghihintay nalang kami na bumagsak ung snow at tumama ng -30 aun pasko na! ang saya. mga tao sa pinas mga balasubas ind na nageemail sakin kinain na siguro ng mga pasyente nila.haha. nauna pa ata silang nanigas sa lamis kesa sakin.

hay naku life is boring...hehe

MySpace

---------------------------------------------

8.11.06

its over...

hay naku finally,exams are over. tapos na rin ang midterms namin.haha. muvee marathon na ito sa friday.tapos na rin ung isa pang problema ko. aning talaga cguro ako.haha

hay naku ang lamig lamig nakakatamad lumabas. puro skip na nga kami ni ariane eh indi na namin alam kung kanino manghihiram ng notes.haha..

happy bday sa mga repapips...aiza and lem!

MySpace

---------------------------------------------

5.11.06

bestfriend..

alin nga ba ang mas masakit? ang umalis ng hindi sinasabing mahal mo rin siya?o ang magtapat at harapin ang katotohanan na hindi pwedeng maging kayo?



hinding-hindi ko malilimutan ang mga mata mo. ang mga titig mo na tumatagaos sa aking pagkatao. sinabi ko sa sarili ko na hinid ako maiinluv sayo. hindi dahil sa ayoko, kundi dahil sa hindi pwede.




nung gabing yun habang magkatabi tayo sa may hagdan sa dorm, yun ang unang pagkakataon na naramdaman kong hindi na kita pwedeng maging bestfriend dahil mahal na kita ng higit pa sa isang kaibigan. alam kong ramdam mo rin yun at kasabay nito ang pag-aalinlangan. dapat pa bang ituloy kahit na aalis na ako papuntang canada? dapat pa bang i-risk ang friendship?



"phoebi, sana ikaw nalang ang niligawan ko"



yang ang mga salitang binitawan mo, at hanggang ngayon napapaisp pa rin ako kung tama ba ang desisyon kong manahimik noong sandaling iyon. kung tama bang itago ko sayo na mahal din kita pero natatakot ako na hindi pwedeng maging tayo. ano kaya ang nangyari kung naging tayo?



marahil ay hindi ko na nga malalaman ang sagot sa mga tanong ko. dahil sa nandito na ako ngayon. dito na ang mundo ko, malayo sa mundo mo. isa ka nalang sa mga pinakamatatamis na pirasong bumubuo sa nakaraan ko.



ok na akong makahanap ka ng mamahalin. you deseve it. ayos na akong masaya ka sa kanya dahil alam kong hindi mo mararanasan yun kung sakaling naging tayo dahil dagat ang pagitan natin. bganun baman talaga ang love diba? handang magsakripisyo at magparaya.



masaya na ako para sayo, bestfriend




MySpace

---------------------------------------------

3.11.06

babaeng aning..

Hay naku exam sa anatomy maloloka ako..haha..bukas na un and hindi pa ako nagaaral and yet im still here infront of the computer updating my blog..highest level na itoh. Ito pa naman ung tipo ng klaseng tinutulugan sa sobrang dami ng tao (300 or so). Well, gudluck samin ni lola..

Alang hiyang babae toh tawagin ba naman daw akong "aning" wag ka lola seryoso ang bakla nasisiraan na ata ako. Tama ka i think too damn much but i can't help it.. Gumagawa ako ng sarili kong problema..haha..

I was lurking around and i found some interesting things..

Unti-unti, nararamdaman kong ako ay napapailalim sa bitag ng kalungkutan.

Araw-araw, ako ay gumigising nang may pag-asang ang umaga ay magdadala ng kaligtasan para sa akin. Babangon ako mula sa pagkakahiga, at pipilitin ko ang aking sarili na harapin ang bagong umaga. Gagawin ko ang mga normal kong mga responsibilidad na sa totoo lang ay sawang-sawa na kong harapin. Haharap ako sa mga taong tinatawag kong kaibigan at pipilitin kong ngumiti. Matapos ang maghapon, susubukan kong isipin na okay naman ang araw ko. Masaya naman. May kwenta naman. Hindi naman patapon.

Ngunit sa pagsapit ng gabi, mag-isa akong matutulala sa kwarto, mapapaupo sa ibabaw ng kama, at ako ay mangiyak-ngiyak parin sa lumbay. Parati na lamang ganon. Aakalain kong magiging masaya ako, aasa akong hindi ko na mararamdaman ang lubos na kalungkutan, ngunit matatapos ang araw nang ako ay nag-iisa na naman.

Kung tutuusin, hindi naman ganoon kabigat ang aking dinadala sa buhay. Mas marami pang ibang tao na sabihin na nating mas may karapatan na malungkot nang ganito. Sa totoo nga, hindi ko naman talaga alam kung bakit nawawala ang gana ko sa mundo. Parang may isang bola ng mga dahilan na nasa loob ko, na unti-unting kinakain ang nalalabing saya sa aking damdamin at dahan-dahang pinapatay ang aking pagkatao.

Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo. Nakakapagod na ang maging sobrang malungkot, ngunit ito talaga ang aking nararamdaman. Naiba na nang todo ang pagtingin ko sa buhay. Nawala ang kagandahan, ang pag-asa, ang pagmamahal.

Unti-unti, nararamdaman kong ako ay napapailalim sa bitag ng kalungkutan.

At ngayon, naghahanap ako ng kaligtasan. Bago mahuli ang lahat.
deep ba?

MySpace

---------------------------------------------

gallery

---------------------------------------------

1.11.06

galaan

From POlo park to St.Vital shopping center, yan ang destinasyon namin ni ariane ngayon kasama si Aiza Ang layo ng galaan para lang mag-shopping pero wala rin lang kaming nabili.haha. Nanigas lang kami dahil sa lamig sa labas at nagutom dahil sa haba ng biyahe. Tipong madilim na bago kami naka-uwi. haha. Highest level ang tripping.

Hay naku ang hirap maging paranoid. YUng tipong isip ka ng isip sa isang problema na hindi pa naman dumarating. Yung tipong hindi ka sigurado kung ano nga ba ung pinaghahandaan mo. Nakakaaning gumawa ng problema. haha. I just wanna be prepared pero sa totoo lang i don't even know where to start. Pano kung tama nga ung mga hinala ko?Pano ko haharapin toh? Gusto kong isipin na wala pero laging sumasagi sa isip ko eh.

Ayokong maghintay na dumating ung panahon na susupalpalin nalang ako sa mukha ng "katotohanan". I wanna be prepared pero hindi ko alam kung paano aausin toh. Nakakainis isipin na all i can do for now is HOPE. Umasa. Maghintay.

I see my life's downfall...and i hate myself for doing anything to stop it... di ako makagalaw.. nakatunganga lang..

free image hosting


free image hosting

---------------------------------------------