Remnants
About Me


Name::phoebi
From::winnipeg, manitoba, Canada
I am who I am No matter what you may think of me, Because I am me, As you can see OUTWARDLY. But inwardly what do you see? Do you see me differently? Can you compare this inner me With the outer me? Who am I? I ask myself. Myself being many books upon a shelf. In a quest for character I search myself. I do not doubt that I am someone . . . A different someone, Most different someone, Because I am me, Most definitely, INWARDLY. Because ALL of me, Inwardly and outwardly, Makes up me.
View my complete profile

Recent Posts

gallery
galaan
loving gabe..
snow day..
di na ko naniniwala sa himala,.,,
one year...
studs and fone..
caught up...
honga naman!..
peyups..(Contributed by xeanthee)

Archives

03.2006
04.2006
05.2006
06.2006
10.2006
11.2006
12.2006
01.2007
02.2007
03.2007
04.2007
05.2007
06.2007
07.2007
08.2007
10.2007
12.2007
01.2008
04.2008
06.2008
07.2008
08.2008
09.2008
11.2008
12.2008
04.2009
05.2009

3.11.06

babaeng aning..

Hay naku exam sa anatomy maloloka ako..haha..bukas na un and hindi pa ako nagaaral and yet im still here infront of the computer updating my blog..highest level na itoh. Ito pa naman ung tipo ng klaseng tinutulugan sa sobrang dami ng tao (300 or so). Well, gudluck samin ni lola..

Alang hiyang babae toh tawagin ba naman daw akong "aning" wag ka lola seryoso ang bakla nasisiraan na ata ako. Tama ka i think too damn much but i can't help it.. Gumagawa ako ng sarili kong problema..haha..

I was lurking around and i found some interesting things..

Unti-unti, nararamdaman kong ako ay napapailalim sa bitag ng kalungkutan.

Araw-araw, ako ay gumigising nang may pag-asang ang umaga ay magdadala ng kaligtasan para sa akin. Babangon ako mula sa pagkakahiga, at pipilitin ko ang aking sarili na harapin ang bagong umaga. Gagawin ko ang mga normal kong mga responsibilidad na sa totoo lang ay sawang-sawa na kong harapin. Haharap ako sa mga taong tinatawag kong kaibigan at pipilitin kong ngumiti. Matapos ang maghapon, susubukan kong isipin na okay naman ang araw ko. Masaya naman. May kwenta naman. Hindi naman patapon.

Ngunit sa pagsapit ng gabi, mag-isa akong matutulala sa kwarto, mapapaupo sa ibabaw ng kama, at ako ay mangiyak-ngiyak parin sa lumbay. Parati na lamang ganon. Aakalain kong magiging masaya ako, aasa akong hindi ko na mararamdaman ang lubos na kalungkutan, ngunit matatapos ang araw nang ako ay nag-iisa na naman.

Kung tutuusin, hindi naman ganoon kabigat ang aking dinadala sa buhay. Mas marami pang ibang tao na sabihin na nating mas may karapatan na malungkot nang ganito. Sa totoo nga, hindi ko naman talaga alam kung bakit nawawala ang gana ko sa mundo. Parang may isang bola ng mga dahilan na nasa loob ko, na unti-unting kinakain ang nalalabing saya sa aking damdamin at dahan-dahang pinapatay ang aking pagkatao.

Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo. Nakakapagod na ang maging sobrang malungkot, ngunit ito talaga ang aking nararamdaman. Naiba na nang todo ang pagtingin ko sa buhay. Nawala ang kagandahan, ang pag-asa, ang pagmamahal.

Unti-unti, nararamdaman kong ako ay napapailalim sa bitag ng kalungkutan.

At ngayon, naghahanap ako ng kaligtasan. Bago mahuli ang lahat.
deep ba?

MySpace

---------------------------------------------

0 Comments:

Post a Comment

<< Home