Remnants
About Me


Name::phoebi
From::winnipeg, manitoba, Canada
I am who I am No matter what you may think of me, Because I am me, As you can see OUTWARDLY. But inwardly what do you see? Do you see me differently? Can you compare this inner me With the outer me? Who am I? I ask myself. Myself being many books upon a shelf. In a quest for character I search myself. I do not doubt that I am someone . . . A different someone, Most different someone, Because I am me, Most definitely, INWARDLY. Because ALL of me, Inwardly and outwardly, Makes up me.
View my complete profile

Recent Posts

what?
flowers
why do i feel such a loser?
alone
lost
future plans
hometown
doing well update
after effect (circa 090908)
X

Archives

03.2006
04.2006
05.2006
06.2006
10.2006
11.2006
12.2006
01.2007
02.2007
03.2007
04.2007
05.2007
06.2007
07.2007
08.2007
10.2007
12.2007
01.2008
04.2008
06.2008
07.2008
08.2008
09.2008
11.2008
12.2008
04.2009
05.2009

25.4.06

caught up...

hay naku nalulungkot nanaman ako...namimiss ko nanaman ung dating buhay ko...tlagang super caught up pa rin ako sa dating buhay ko...till now di ko pa rin talaga matutunang gustuhin tong bagong lugar na kinaroroonan ko...ang masakit pa alam kong dito na ako titira ngaun and wala akong magagawa...almost one year na ako dito..isang taon...isang taon n akong umaasa na babalik pa ung dating buhay ko...isang taon ko nang kino-convince ang sarili ko na pag umiyak ako ng todo eh baka maawa sakin ang diyos at ibalik ang datig buhay ko..,isang taon ko nang pilit na sinasabi sa sarili ko na gigising ako isang araw ang it will all be a bad dream..parang lahat ng gawin ko dito labag sa loob ko...ewan ko ba...ang dami ko kasing naiwan eh..i was happy then...masaya na ako sa buhay ko dati and i always feared change...mahina kasi ang loob ko pagdating sa change..hindi ko kaya ung nagbabago ung paligid ko and much more ung way of life ko...

frustrated pa ako kasi dapat nagduduty na ako ngaun..pero ano?nasan ako?...lalo pa ako na degrade kasi alam kong hindi ko to level..alam kong mas mataas ang kakayahan ko pero hindi ako bibigyan ng chance para ipakita un...capping ng mga ka-batch ko sa may 28...the most dreaded day of my entire life...dobleng dagok un sakin...i'm happy for them..pero xempre mas nangingibabaw ung inggit kasi dapat kasama ako doon..dapat kasabay ko sila...dapat nandun din ako ngaun at kahit madaming pressures i know kakayanin ko as long as gusto ko ung gingawa ko dba?kasi ganun naman dapat diba dapat mahalin mo ung ginagawa mo...another good reason kung bakit hindi ako satisfied sa buhay ko dito..

parang ang bagal ng oras..ang bagal ng apat na taon..lalong bumabagal kapag wala kang ginagawa...feeling ko super nasasayang ung oras ko dito...wala man lang talaga mapuntahan...ang hirap maghintay...sabi nia four years daw...sana ganun lang kadali...and after four years who knows kung gaano na kami nag change by then dba?ang gulo talaga ng buhay ko ngaun...basta ang alam ko hindi ako masaya...

kelan kaya ako magiging masaya?unfair ng buhay talaga...bat ganun kung kelan kontento na ako sa buhay ko...okei na ako sa pinas eh...hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula dito..and i know na kahit makapag-establish man ako dito...i will never feel complete...kasi i left a big part of me sa pinas...sa mga kaibigan ko...sa mga mahal ko...sa kanya....

---------------------------------------------

5.4.06

honga naman!..

Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin.

Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, o puro manyak. Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.

Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak, darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English.

Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-Playstation. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara.

Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak.

Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle, o UST. Dapat maganda yung course mo. Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan. Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo. Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka.

Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.

Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa ibang tao para mabuhay. Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED o isa lamang WANT.

Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.

Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:

LEARN.

Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha.

Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo.

Matuto ka sa mga pagkakamali mo.

hahahha..funny noh?..nakakatuwang basahin pero totoo lahat ng sinasabi dito..dapat practical na tayo lalo na sa mga panagong ito..


---------------------------------------------

peyups..(Contributed by xeanthee)

May sikreto akong aaminin sa’yo…
Mayroong nangyaring hindi mo alam…
Itong isang lihim, itinagong kay tagal…

Ayokong sirain kung anuman ang meron tayo. Matagal-tagal na rin kasi tayong magkaibigan noh!

Alam mo ba na nagulat ako nung araw na tinawag mo akong bestfriend? Leche. Sawang sawa na ako sa bestfriend bestfriend na yan! Huling beses na nagkaroon ako ng "bestfriend”, napahamak lang ang puso ko. Nasira pa ang isang pagkakaibigang itinatangi ko. Saka, heller! May bestfriend na kaya ako!

Di ko noon nakayang ipadama sayo…
Ang nararamdaman ng pusong ito…

Hindi ko naman kasi ineexpect na meron akong mararamdaman. Ika ko nga, i-deny hangga’t kaya. Feeling ko hindi pa ako handa. Feeling ko nalungkot lang ako, na kinailangan ko lang ng makakasama. Makulit ka kasi, jologs din. Mapang-asar pero malambing. Malay ko bang darating sa punto na ikaw ay isa sa mga iilang dahilang nagpapangiti sa akin at nagkukumpleto ng araw ko?

Di ko alam kung ano ang nangyari…
Damdamin ko sayo’y hindi ko nasabi…

Humingi ako ng sign. Sabi ko dati hindi na ako naniniwala sa soulmates, sa fate at destiny eklavu na iyan pero hayun ako, eengot-engot na nagmakaawa sa kalangitang pagbigyan ako sa kahilingan ko. Tatlong beses akong humiling, tatlong beses rin ako sinagot.

At hanggang ngayon, naaalala pa…

I got what I asked for and guess what? Nasaktan ako.

Masakit kasi kahit papaano umasa na rin ako. Mahirap balewalain ang boses sa utak kong nagsasabing kalimutan ko na lang kung anuman itong nararamdaman ko kasi sobrang imposible na kaya mong suklian ito.

Pride? Siguro.

Nakanaman kasi. Bakit ang labo mo? Bakit ang dami mo nang sinabi pero hindi mo naman pinatunayan? Sobrang inconsistent mo. Sana ginalingan mo na din ang pagtiming para sana ayos lahat ngayon.

Bad trip talaga. Sawi talaga siguro ako.


Hay. I guess it just wasn’t meant to be.

Muntik na kitang minahal…


Ito ang napapala ng mga taong tulad ko na laging "bestfriend" lang ang role...kasi ang sasalo pero sa mga taong mahal namin pero sad to say na walang nagbre-break ng fall namin...

---------------------------------------------