Remnants
About Me


Name::phoebi
From::winnipeg, manitoba, Canada
I am who I am No matter what you may think of me, Because I am me, As you can see OUTWARDLY. But inwardly what do you see? Do you see me differently? Can you compare this inner me With the outer me? Who am I? I ask myself. Myself being many books upon a shelf. In a quest for character I search myself. I do not doubt that I am someone . . . A different someone, Most different someone, Because I am me, Most definitely, INWARDLY. Because ALL of me, Inwardly and outwardly, Makes up me.
View my complete profile

Recent Posts

the last straw....
where are you?
nina ang nyoy?!
di ko na alam..
my declaration of self-esteem
personality tests..
hilarious...
ang huling araw
my own...
nakakamis...

Archives

03.2006
04.2006
05.2006
06.2006
10.2006
11.2006
12.2006
01.2007
02.2007
03.2007
04.2007
05.2007
06.2007
07.2007
08.2007
10.2007
12.2007
01.2008
04.2008
06.2008
07.2008
08.2008
09.2008
11.2008
12.2008
04.2009
05.2009

5.4.06

peyups..(Contributed by xeanthee)

May sikreto akong aaminin sa’yo…
Mayroong nangyaring hindi mo alam…
Itong isang lihim, itinagong kay tagal…

Ayokong sirain kung anuman ang meron tayo. Matagal-tagal na rin kasi tayong magkaibigan noh!

Alam mo ba na nagulat ako nung araw na tinawag mo akong bestfriend? Leche. Sawang sawa na ako sa bestfriend bestfriend na yan! Huling beses na nagkaroon ako ng "bestfriend”, napahamak lang ang puso ko. Nasira pa ang isang pagkakaibigang itinatangi ko. Saka, heller! May bestfriend na kaya ako!

Di ko noon nakayang ipadama sayo…
Ang nararamdaman ng pusong ito…

Hindi ko naman kasi ineexpect na meron akong mararamdaman. Ika ko nga, i-deny hangga’t kaya. Feeling ko hindi pa ako handa. Feeling ko nalungkot lang ako, na kinailangan ko lang ng makakasama. Makulit ka kasi, jologs din. Mapang-asar pero malambing. Malay ko bang darating sa punto na ikaw ay isa sa mga iilang dahilang nagpapangiti sa akin at nagkukumpleto ng araw ko?

Di ko alam kung ano ang nangyari…
Damdamin ko sayo’y hindi ko nasabi…

Humingi ako ng sign. Sabi ko dati hindi na ako naniniwala sa soulmates, sa fate at destiny eklavu na iyan pero hayun ako, eengot-engot na nagmakaawa sa kalangitang pagbigyan ako sa kahilingan ko. Tatlong beses akong humiling, tatlong beses rin ako sinagot.

At hanggang ngayon, naaalala pa…

I got what I asked for and guess what? Nasaktan ako.

Masakit kasi kahit papaano umasa na rin ako. Mahirap balewalain ang boses sa utak kong nagsasabing kalimutan ko na lang kung anuman itong nararamdaman ko kasi sobrang imposible na kaya mong suklian ito.

Pride? Siguro.

Nakanaman kasi. Bakit ang labo mo? Bakit ang dami mo nang sinabi pero hindi mo naman pinatunayan? Sobrang inconsistent mo. Sana ginalingan mo na din ang pagtiming para sana ayos lahat ngayon.

Bad trip talaga. Sawi talaga siguro ako.


Hay. I guess it just wasn’t meant to be.

Muntik na kitang minahal…


Ito ang napapala ng mga taong tulad ko na laging "bestfriend" lang ang role...kasi ang sasalo pero sa mga taong mahal namin pero sad to say na walang nagbre-break ng fall namin...

---------------------------------------------

0 Comments:

Post a Comment

<< Home