di ko na alam..
Gusto kong matulog at gumising na okei n ulit ang lahat. Ung tipong bumalik na ung dating buhay ko. Nung lumipat kami dito prang nawalan na rin ako ng buhay. Di ko n alam kung paano ulit ako babangon. Kung paano ako magsisimula ulit. Its nice na i met new friends like ariane and joanne. Di ko alam kung nasan ako ngaun if i hadn't met them. Sabi nila change is good, pero mahirap magsimula lalo na kung super nasanay ka na sa buhay mo. OKei na ako dun eh simpleng buhay lang naman gusto ko eh. HIndi naman sa nagrereklamo ako pero kasi parang mali ung binigyan ng chace para magpunta dito. Sana sa iba nalang binigay para at least naapreciate dba? Di ako sanay ng ganito pakiramdam ko nasaasyang lang ung oras ko. Masasabi sigurong im a person always on the go kasi siguro na try ko na ung super hectic ung sked sa skul kaya hindi na ako sanay na spoon feeding lahat. Parang degrading na hindi ko maabot ung level na dapat kinaroroonan ko. I just want my old life back. Hindi ko alam kung dahil ba sa im still holding on past kaya hindi ako makamove-on o talagang im just weak?..di ko alam basta ang alam ko until now i can still feel that sinking feeling nung umalis kami on that dreaded day. I hated it. And hanggang ngaun i still hate it. i can feel myself slowly changing. Buti sana kung its for the better pero i know its not. Parang unti2 nawawala na ung ako na nakilala ko dati. Parang sa sobrang changes nagtatago na "ako" sa lobb and im just showing a cover up. Ayoko maging plastic. Di ako ganun pero parang pigil ung sarili ko dito. HIndi ko maipakita ung totoong ako. How can this be a good thing when i feel myself slowly breaking down? Hindi ako toh. And the only thing that can bring back the old me is if i get my old life back. Sana hindi nalang ito nangyari. Hindi dito ang buhay..and it never will...now hindi ko alam kung paano ako magcocope up....di ko na talaga alam....sana.....pagising ko okei na lahat..kasama ko na mga mahal ko..kasama kita
---------------------------------------------


0 Comments:
Post a Comment
<< Home