bat ganun just when i thought ok na ako. ok naman na talaga ako eh. hindi na ako nagtatampo na hindi mo man lang nabalik ung mga email ko sayo or ung hindi ka man lang nakatawag sakin. kahit na yung hindi mo pagpaparamdam ng almost 2 years. ok naman na talaga eh. bakit kasi bumalik ka pa. bumalik ka at may bitbit ka pang kasama. ano yan para ipamukha mo sakin na you found someone better than me. haha. no thank you pero hindi ko kailangan ng gnyan. kung masaya ka sa knya well then good for you. pakasaya ka. papakasaya rin ako. hindi mo naman ako kailangang guluhin eh. napapaisip tuloy ako, katulad ka rin ata ng iba eh na puro daldal lang. haha. and to think akala ko iba ka dahil "first love" mo nga naman ako. pati nanay mo sumasali pa. ang dami mong excuses. ang dami mong allibies. kung sana noon sinabi mo na you can't (or won't?) make it work, eh di sana you could have saved me all the tears. haha. useless lang pala ang pag-iyak ko sayo. sobrang useless dahil katulad ka rin pala ng iba. ang masama. we could have made it work. willing naman ako bigyan ng chance eh. ikaw lang naman kasi talaga ang ayaw mag-exert ng effort. ni email nga hindi mo magawa eh. sayang 2 years and 2 months na sana tayo ngayon. akala ko pa naman mararating natin yung 4 years na plano natin. sabi mo dati susundan mo ulit ako kahit sa america pa or sa ibang planeta. haha i guess useless lang pala maghintay para sayo. hanggang 7 years lang pala ang kaya mong ipaghintay. sayang we could have been a good couple kung sana lang hindi wrong timing. at kung sana lang willing kang mag-sacrifice ng oras mo para sakin... pero masaya na ako ngayon. masaya ka na rin alam ko. sana ito na yung huling beses na iisipin kita. sana ito na yung huling beses na masasaktan mo ako. sana ito na yung huling beses na papaiyakin mo ko. sana kahit for the last time nalang, maging considerate ka naman sakin and just leave me alone...
---------------------------------------------


0 Comments:
Post a Comment
<< Home